25
Bawat mamamayan ay may karapatang dapat tamasahin, kaya may mga batas tayo na sumasaklaw sa mga karapatang pantao. L aganap na ang paniniwalang ito sapagkat isang palatandaan ng pagiging demokratiko ng pamahalaang pinaiiral sa isang bansa. Isang bansang demokratiko ang Pilipinas kaya malayang binibigyang halaga rito sa atin ang pagkakaroon ng karapatan ng mga mamamayan. Ang mga kabataang Pilipin o ay may sariling mga karapatang isinabatas n gating pamahalaan. Subalit, mahalagang matuto ang bawat Pilipino, Bata at matanda, lalaki at babae, na pangalagaan ang kanilang mga karapatan bilang tao at bilang mamamayan ng Pilipinas. Nakapaloob ito sa Saligang Batas ng Pilipinas, Artikulo III na may pamagat na “ Katipunan ng mga Karapatan.” FILIPINO V (10:25-11:25) Aralin 18 I. Naisusulat bilang payak na pangungusap ang sugnay na nakapag-iisa. Pagpapahalaga: Karapatang Pantao II. Pagsulat bilang Payak na pangungusap ang sugnay na nakapag-iisa. BEC- Handbook p.56, Hiyas sa Wika p.15, Bagong Filipino Wika p.18 Larawan, tsart III A. Panimulang gawain 1. Pagwasto ng takdang-aralin. 2. Balik-aral: Piliin ang angkop na pangatnig sa bawat pangungusap. a) Nabigyan ng karangalan ni Joel  _______siya a y masipag sa pag-aaral. b) Maaga siyang umalis_______nahuli pa rin siya sa laro. c) Naglaro si Tito sa ulan_______siya ay sinipon. d)  _______malin aw magsalita si Ross, naiintindihan siya ng kanyang mga kamag-aral. e)  _______hind i uulan, matutuloy ang itinakdang palatuntunan. B. Panlinang na Gawain: 1. Pangganyak Basahin ang pangungusap na nasa pisara. Napansin ba ninyo na kapwa buo ang diwa ng bawat sugnay sa tambalang pangungusap? Ano ang tawag sa sugnay na nagpapahayag ng buong diwa? 2. Paglalahad: Pagbasa ng sanaysay. 3. Pagtalakay: Ano ang paksa ng iyong binasang sanaysay? Magbigay ng sugnay na nakapag-iisa sa inyong binasa. Buo ba ang diwa ng sugnay na di-nakapag-iisa. 4. Paglalahat:  Ang mga sugnay na nakapag-iisa ay lipon ng mga salitang may isang buong diwa. Mayroon itong simuno at panaguri.  Itinuturing ito na payak na pangungusap. 1. Pagsasanay: Piliin ang payak na pangungusap. Isulat ito sa sagutang papel. a) Nais ni nanay na narito ang kanyang mga anak kahit na siya ay matanda na. b) Maaga pa ay ipinaglulutop na siya ng almusal. c) Tuwang-tuwa naman ang mga anak. d) Lagging dinadalaw ng mga anak ang kanilang mga magulang kahit na sila ay may asawa na. e) Masayang-masaya sila. 6. Paglalapat: Piliin ang sugnay na nakapag-iisa sa sumusunod na mga pangungusap. 1. Ang mga tao ay magtatanim upang sila ay may makain. 2. Laging maganda ang suot nila upang mamukod sa karamihan. 3. Maganda ang kapalaran niya sapagkat lagi siyang tumutulong sa kapwa. 4. Walang ginagawa ang ibang tao kundi pintasan ang kapwa. May mga karapatan na dapat tamasahin ang bawat mamamayan kaya may batas na sumasaklaw sa mga karapatang pantao.

FIL V LEsson Plan ist grading.docx

Embed Size (px)

DESCRIPTION

FIL V LEsson Plan ist grading.docx

Citation preview

FILIPINO V(10:25-11:25)Aralin 18

I. Naisusulat bilang payak na pangungusap ang sugnay na nakapag-iisa.Pagpapahalaga: Karapatang Pantao

II.Pagsulat bilang Payak na pangungusap ang sugnay na nakapag-iisa.BEC- Handbook p.56, Hiyas sa Wika p.15, Bagong Filipino Wika p.18Larawan, tsartIII A. Panimulang gawain1. Pagwasto ng takdang-aralin.

2. Balik-aral:Piliin ang angkop na pangatnig sa bawat pangungusap.a) Nabigyan ng karangalan ni Joel _______siya ay masipag sa pag-aaral.b) Maaga siyang umalis_______nahuli pa rin siya sa laro.c) Naglaro si Tito sa ulan_______siya ay sinipon.d) _______malinaw magsalita si Ross, naiintindihan siya ng kanyang mga kamag-aral.e) _______hindi uulan, matutuloy ang itinakdang palatuntunan.

B. Panlinang na Gawain:1. PangganyakBasahin ang pangungusap na nasa pisara.

May mga karapatan na dapat tamasahin ang bawat mamamayan kaya may batas na sumasaklaw sa mga karapatang pantao.

Napansin ba ninyo na kapwa buo ang diwa ng bawat sugnay sa tambalang pangungusap?Ano ang tawag sa sugnay na nagpapahayag ng buong diwa?2. Paglalahad:Pagbasa ng sanaysay.

Bawat mamamayan ay may karapatang dapat tamasahin, kaya may mga batas tayo na sumasaklaw sa mga karapatang pantao. Laganap na ang paniniwalang ito sapagkat isang palatandaan ng pagiging demokratiko ng pamahalaang pinaiiral sa isang bansa.Isang bansang demokratiko ang Pilipinas kaya malayang binibigyang halaga rito sa atin ang pagkakaroon ng karapatan ng mga mamamayan. Ang mga kabataang Pilipino ay may sariling mga karapatang isinabatas n gating pamahalaan. Subalit, mahalagang matuto ang bawat Pilipino,

Bata at matanda, lalaki at babae, na pangalagaan ang kanilang mga karapatan bilang tao at bilang mamamayan ng Pilipinas.Nakapaloob ito sa Saligang Batas ng Pilipinas, Artikulo III na may pamagat na Katipunan ng mga Karapatan.

3. Pagtalakay:Ano ang paksa ng iyong binasang sanaysay?Magbigay ng sugnay na nakapag-iisa sa inyong binasa.Buo ba ang diwa ng sugnay na di-nakapag-iisa.4. Paglalahat: Ang mga sugnay na nakapag-iisa ay lipon ng mga salitang may isang buong diwa. Mayroon itong simuno at panaguri.

Itinuturing ito na payak na pangungusap.

1. Pagsasanay:

Piliin ang payak na pangungusap. Isulat ito sa sagutang papel.a) Nais ni nanay na narito ang kanyang mga anak kahit na siya ay matanda na.b) Maaga pa ay ipinaglulutop na siya ng almusal.c) Tuwang-tuwa naman ang mga anak.d) Lagging dinadalaw ng mga anak ang kanilang mga magulang kahit na sila ay may asawa na.e) Masayang-masaya sila.

6. Paglalapat:

Piliin ang sugnay na nakapag-iisa sa sumusunod na mga pangungusap.1. Ang mga tao ay magtatanim upang sila ay may makain.2. Laging maganda ang suot nila upang mamukod sa karamihan.3. Maganda ang kapalaran niya sapagkat lagi siyang tumutulong sa kapwa.4. Walang ginagawa ang ibang tao kundi pintasan ang kapwa.

IV. Pagtataya:

Isulat ang sugnay na nakapag-iisa sa bawat pangungusap.1. Siyay namumukod sapagkat hindi madilim ang kanyang paningin sa buhay.2. Hindi siya nagreklamo at nagyayabang kaya hinahangaan din siya ng marami.3. Iwasan ang panggagaya sapagkat mayroon tayong sariling katangian.4. Malinaw ang ipinahahayag ditto ang gintong aral, kaya sundin natin ito.5. Ang buhay ay maganda kung tayo ay marunong makipagkaibigan.

V. Takdang aralin:

Lino Brocka: Direktor, Pambansang artistIsa sa itinanghal na Pambansang artista sa Pelikula at Sining ng Pagsasahimpapawid sa taong 1997si Lino Brocka. Iginawad ang parangal na ito bilang pagkilala sa kanyang kontribusyon sa pelikulang Pilipino. Bagamat iginawad anim na taon matapos ang kanyang pagkamatay, nararapat na rin ang parangal kay Brocka kung pagbabatayan ang kanyang naiambag.Mula pagkabata, mahilig na si CatalinoLino Ortiz Brocka sa teatro, pananalumpati, at madudulang palabas.Sumikat siya bilang director ng pelikula.Hinirang siyang isa sa pinakamahusay na director sa dekada80 sa 1986 Toronto Festival.Bumuo ng sugnay na nakapag-iisa buhat sa sugnay na di-nakapag-iisa.1. kung hindi sila magkakamali ng hakbang2. habang ang tao ay nabubuhay3. nang ang buhay ay maging maligaya4. upang mabuksan ang pinto ng kalangitan5. upang maging tuloy-tuloy ang daloy ng tubig

Attendance:5-4-3-2-1-QN=QL=

Aralin 19

I. Nagagamit ang angkop na pangatnig sa sugnay na di-nakapag-iisa.

Pagpapahalaga: Pagkamasikap,Pagkamatiyaga

II.Paggamit ng angkop na Pangatnig sa Sugnay na di- nakapag-iisa.

BEC- Handbook Pagsasalita p.56, Hiyas sa Wika p.174, Bagong Filipino Wika p.14Larawan, tsartIII A. Panimulang gawain1. Pagwasto ng takdang-aralin.

2. Balik-aral:Isulat kung anong uri ng sugnay ang mga sumusunod: ( nakapag-iisa o di- nakapag-iisa)

a) Magdilig ng halamanb) Kayat tumaas ang kanyang markac) Malimit mapagalitan si Jasond) Nang sa di-inaasahang pangyayarie) Kung darating siya

B. Panlinang na Gawain:1. Pangganyak:

Anong salita ang kadalasang nauuna sa sugnay na di-nakapag-iisa?2. Paglalahad:Pagbasa ng Talambuhay..

3. Pagtalakay:

Anu-ano ang mga pangatnig na ginamit sa talambuhay?Ano ang tawag natin sa sugnay na pinangungunahan ng mga pangatnig?4. Paglalahat: Ang mga sugnay na di-nakapag-iisa ay bahagi lamang ng isang pangungusap at di nagpapahayag ng buong diwa.pinangungunahan ito ng pangatnig.

1. Pagsasanay:

Buuin ang sumusunod na mga sugnay na di-nakapag-iisa.1. Siya ay maganda______may pagkasuplada.2. ______mayaman sila ay simple lamang ang pamumuhay nila.3. ______ nagsasaya si Lumen ay namimighati naman ang kanyang ina.4. ______ makaahon sa kahirapan ay nagtatrabaho siya sa araw at nag-aaral sa gabi.5. Siyay napahamak______ hindi na siya nakinig sa payo ng kanyang magulang.

6. Paglalapat:Gumawa ng pangungusap na ginagamitan ng mga sumusunod na pangatnig.

mangyari kasi kaya datapwat kapag

IV. Pagtataya:Piliin ang angkop na pangatnig sa loob ng panaklong.1. Ang ilang tao ay naririto______ nais nilang mapansin sila.( kaya, datapwat, sapagkat)2. Malungkot ang ibang ______hindi sila marunong makihalubilo.( samakatuwid, datapwat, dahil)3. Hinahangaan ang tao______siyay marunong makisama.(kung, kaya ,nang)4. Nakaupo si Dr. Paz______dumating ang pasyenteng kukonsulta sa kanya.( sapagkat, nang, pag)5. Ang mga taoy nagpapaganda______ hangaan sila.(upang, sapagkat, nang)

V. Takdang aralin:Bumuo ng usapan na ginagamitan ng sumusunod na mga pangatnig.KahitsamakatuwidkasiMangyarigawa ng

Aralin 20

I.

Nauuri ang mga pangungusap. Napag-iiba ang payak,tambalan at hugnayang mga pangungusap. Nagagamit sa pagsasalaysay ang mga pangungusap.

Pagpapahalaga:Pag-iingat sa Kapaligiran

II.Mga uri ng pangungusap: Payak, Tambalan, Hugnayan

BEC- Handbook in Filipino 5 Pagsasalita p.56, Hiyas sa Wika 5 pp.21-30, Bagong Filipino 5 Wika pp.22-27, Pagdiriwang ng Wikang Filipino 5-Wika pp.34-41Larawan, tsartIII.Pamamaraan:A. Bago Bumasa1. Pagwasto ng takdang-aralin.

2. Balik-aral:Punan ang patlang upang makabuo ng hugnayang pangungusap. Gumamit ng pangatnig bilang hudyat ng sugnay na di-nakapag-iisa.1. Matagal nang hindi umuulan_________.2. Malusog si John_________.3. Hirap na hirap na ako sa sakit ko_________.4. Tataas na naman ang pamasahe_________.5. Galingan mo sa kontes_________.

3. Pangganyak:Nararamdaman mo ba ang init ng panahon nagyon?Anong hakbang ang ginagawa mo upang malabanan ito?Nakikinig ka ba ng balita sa radio?Anong hakbang ng pamahalaan ukol sa isiping ito?

B. Habang Bumabasa:a. Basahin ang balita.Ang Global Warming

B. Pagtalakay:Ipaliwanag ang tinatawag na global warming? Ano naman ang El Nino?Ano ang mga di kagandahang dulot nito?Ano ang dapat gawin sa panahon ng El Nino?Anong maaring gawin ng mga mag-aaral na tulad mo sa isyung ito?

C. Pagkatapos Bumasa:1. Lahukang Gawain:Sabayang Pagbasa:Ang Patatas ay Masustansya

2. Paglalahad ng gawain:

Suriin ang mga pangungusap. Subuking pangkatin ang mga ito.1. Hindi lamng pagtatanim saBaguio kundi sa iba pang pook sa bulubundukin.2. Higit pa ang protina ng patatas kaysa soybean.3. Masustansya ang patatas.4. Halos walang taba ito at mababa lamang ang taglay nitong calorie.5. Mahusay ang patatas sa nagdi-dyeta.

3. Pagpapayamang gawain:Pangkatin sa 3 grupo ang klase.a. Babasahin ng unang grupo ang payak na pangungusap sa talata sa ibaba.b. Pangalawang grupo naman sa tambalang pangungusap.c. Hugnayan naman ang babasahin ng ikatlong grupo may pinakamaraming tama ang siyang mananalo.Pagtanaw ng utang na loob: Pilipinong-Pilipino

4. Paglalapat:Iguhit ang (o) sa patlang kung payak ang pangungusap, ( ) kung tambalan at( ) kung hugnayan.1. Kung walang kikilos hindi tayo magtatagumpay.2. Si Perla ang unang sumagot sa tanong.3. Hindi natin ninais ang nangyari, pero sadyang ganyan ang kapalaran hindi natin mapipigilan.4. Magsisimula na ang presentasyon nang lumitaw si Bb. Castro sa likuran ng entablado.5. Hindi ko dapat huhusgahan sina Mickey at Lyn.

D. Pagsasanib ng Kayariang Pangwika:1. Paglalahat:Isulat sa patlang ang tinutukoy ng paliwanag._____Pangungusap na may isang kaisipan/ buong diwa.May payak na simuno at panaguri.Hal. Marikit at maningning ang mukha ni Rosa._____pangungusap na may 2 kaisipan na nakapag-iisa( nakapag-iisang sugnay)Ginagamit ng mga pangatnig tulad ng nang, upang, kayo, kahit.etc.Bumubuo ng isang bahaging buo ang kaisipan at isa pang bahagi na hindi buo.Nakapag-iisang sugnay+ di nakapag-iisaHal. Patuloy ang paglakas ng ulan kaya hindi ako makalabas.

E. Pagtataya:Pag-aralanang mga sumusunod na paksa. Sa sagutang papel isulat ang payak na pngungusap kung P ang nakalagay sa bawat bilang ng paksa.Tambalan naman kung T at hugnayang pangungusap kung H.1. (T) Pag-aaral mo.2. (P) Mga magulang3. (H) Alagang hayop4. (H) Panahon/Klima ngayon5. (T) Paboritong artista6. (H) Problema mo7. (H) Matalik na kaibigan8. (P) Nais mo maging paglaki mo9. (T) Ating pamahalaan10. (P) Paboritong laro

V. Takdang aralin:Sumulat ng pangungusap ayon sa hinihingi.1. Payak2. tambalan3. hugnayan

Aralin 23

I.

Natutukoy ang gamit ng simuno,panaguri at layon sa pangungusap. Natutukoy din kung paano ito binubuo.

Pagpapahalaga:Pangangalaga sa Kalusugan

II.Gamit ng simuno,panaguri at layon ng pangungusap

BEC- Handbook in Filipino 5 p.56, Hiyas sa Wika 5 pp.32-37 Bagong Filipino 5 Wika pp.46-49 Pagdiriwang ng Wikang Filipino 5-Wika pp.55-60Larawan, tsartIII.Pamamaraan:A. Bago Bumasa1. Pagwasto ng takdang-aralin.

2. Balik-aral:Gamitan ng ay ang mga sumusunod upang maging mga pangungusap na nasa di-karaniwang ayos.a. Hiniram niya ang ballpen ko.b. Nais ko sanang makita ang bahay ninyo.c. Napakatarik naman ng bundok na iyon.d. Lalabas na ang pari, tahimik na tayo.e. Hindi ko gusto ang ginawa niya.

3. Pangganyak: Marami ba ang nagsasabi sa iyo na ikaw ay malusog?Paano mo ito mapapatunayan?Sumulat ng pagkaing pampalusog sa kahon.Hal.

gulay

4. Paghawan ng balakid:

Magbigay ng mga salitang maaring iugnay sa salita sa ibaba.

sipon

Mikrobyo

B. Habang Bumabasa:1. Basahin ang sanaysay.

Si Mikrobyo Sipon2. Pagtalakay: Sino si mikrobyo sipon? Ano ang dala niya sa tao?Naging biktima ka na ba niya? Ano ang sintomas ng sakit na dala niya? Ikaw,paano mo maiiwasan si Mikrobyo sipon?

C. Pagkatapos Bumasa:1. Lahukang Gawain:Suriin ang mga pangungusap.Sabihin kung alin ang simuno at alin ang panaguri.

A. Malakas ako.B. Pumapasok ako sa katawan.C.Ako si Mikrobyo sipon.D. Biktima ang ating katawan.

Mga panaguri. Ibigay ang anyo ng salita.

Pang-uriMalakas-

Pumapasok-

Ako-

Biktima-

2. Paglalahad ng gawain:Isadulang dayalogo: Sayaw-Awit Pinoy

3. Pagpapayamang gawain:Piliin ang mga pangungusap na may panaguring:a. Panghalipb. Pang-uric. Pandiwad. Pangngalan Hal. Kasiya-siya itong palabaspanghalip

D. Pagsasanib ng Kayariang Pangwika:1. Paglalahat:Pag-aralan ang tsart.Pang-uring pandiwaTuwirang layonSimuno

NahawaNg siponSi Nena

KumainNg suhaAko

PumuntaNg palengkeSi lola

BumibisitaNg pasyenteSi doctor

Ang tuwirang layon ay tumatanggap ng kilos ng pandiwa at may panandang ng. Sumasagot ito sa tanong na ano. Ang di-tuwirang layon naman ay pinaglalaanan o pinatutunguhan ng kilos. Sinasagot nito ang tanong na kanino. Ang layon ng pang-ukol na sa ay tumatalakay sa lugar kung saan naganap ang kilos.

Hal. Bumabaha na nang labis sa bayan.

E. Pagtataya:

Tukuyin ang layon ng pangungusap.Sabihin kung tagaganap o tagatanggap ng pandiwa.

1. Nagdala ng prutas si Lolo Tikoy.2. Hinila ng aso an gating basahan.3. Nagsalin ng lupa sa paso ang ilan sa mga bata.4. Nagluto si nanay ng ginatang gabi.5. Bumili ng malalaking paso ang klase ni Gng. Diaz.6. Nagtanim ng palay ang mga magsasaka.7. Itinapon ng bata ang kanyang laruan.8. Hinila ng lubid ang mga manggagawa.9. Kumuha ng lapis at papel si Jun-Jun.10. Naghayag ng Taning ang manananggol.

V. Takdang aralin:Sumulat ng sanaysay tungkol sa inyong kalusugan. Ukuyin ang layon ng bawat pangungusap.

Aralin 24

I.

Naipapaliwanag kung paano binubuo ang simuno at panaguri

Pagpapahalaga:Pagiging matulungin sa kapwa

II.Pagbuo ng simuno at panaguri

BEC- Handbook in Filipino 5 p.56, Hiyas sa Wika 5 pp.32-37 Bagong Filipino 5 Wika p.52 Larawan, tsartIII. Pamamaraan A.Panimulang gawain:1. Pagwasto ng takdang-aralin.

2. Balik-aral:Salungguhitan ang layon sa mga pangungusap.Isulat kung ito ay TL, DTL, o LPa) Ang lalaki sa tabi ni G. Reyes ay si G. Tolentino.b) Nagluto ng adobo si Tinay para sa mga bisita.c) Tinulungan ni Rosa si Tita sa kanilang takdang aralin.d) Ang mga bata ay nag-alay ng panalangin para sa mga biktima ng bagyo.e) Sumulat si Oscar ng tula.

B. Panlinang na gawain:

1. Pangganyak: Pagpapakita ng larawan.Magbigay ng mga pangungusap ukol sa larawan.

2. Paglalahad:Pag-aaral sa mga pangungusap na nasa tsart.

ABC

1.gulay

2. siya3. mayaman

4. ako

5. kotseNagpapalakas

MatalinoMatulungin

Tumatakbo

matulinAng gulay ay nagpapalakas.Matalino siya.Ang mayaman ay matulungin.Ako ay tumatakbo.Matulin ang kotse.

3. Pagtalakay:Anong bahagi ng pananalita ang mga nakasulat sa Hanay A? Hanay B?Ano ang tawag sa lipon ng mga salita sa hanay C?Anong bahagi ng pangungusap ang mga salitang nakasulat sa hany A at B?Paano nabuo ang simuno at panaguri?

4. Paglalahat:Ang pangngalan,panghalip o pang-uri na ginagamit na paksa sa pangungusap ay tinatawag na simuno. Kung walang kasamang panuring ,itoy tinatawag na payak na simuno. Kung may kasamang kataga tulad ng ang, ang mga, si, sina, at mga panuring ito ay tinatawag na buong simuno.Ang isang pandiwa, pang-uri o pangngalan sa pangungusap na nagsasabi tungkol sa simuno ay tinatawag na panaguri.Payak ang panaguri kung nag-iisa lamang. Kapag ito ay may kasamang mg panuring, ito ay tinatawag na buong panaguri.

5. Pagsasanay:Sabihin ang buong simuno at buong panaguri sa mga sumusunod na pangungusap.1. Maagang gumising si Joaquin.2. Siya ay nanghuhuli ng isda.3. Dinidilig niya ang mga halaman sa bakuran.4. Anfg mga uod at mga kulisap ay inalis ko.5. Si leni at si jake ay naglilinis din.

IV. Pagtataya:Salunguhitan ng minsan ang simuno at makalawa ang buong panaguri pangungusap.1. Nag-aaral ng mabuti ang masipag na si Anton.2. Inaalagaang mabuti ng mga magulang ang kanilang mga anak.3. Si Efren Bata Reyes ay nagtamo ng karangalan sa larong billiards.4. Nagtalumpati ang alkalde sa harapan ng maraming tao sa munisipyo.5. Ang ating mga magulang ay natutuwa kapag matatas ang marka ng kanilang anak.

V. Takdang aralin:Sumulat ng 5 apngungusap. Ikahon ang buong simuno at salungguhitan ang buong panaguri.

Aralin 25

I.Layunin: Naibibigay ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng kasingkahulugan. Naibibigay ang kasalungat na kahulugan ng mga salita.

Pagpapahalaga:Pananalig sa Diyos

II.Paksang Aralin:Mga kahulugan ng salita sa pamamgitan ng kasingkahulugan at kasalungat.

BEC- Handbook in Filipino 5 Pagbasa p.56, Hiyas sa Pagbasa 5 pp.128-129,186-188 Bagong Filipino 5 Wika Pagbasa pp.35, 45-46 Larawan, tsartIII.Pamamaraan:A. Bago Bumasa1. Pagwasto ng takdang-aralin.

2. Balik-aral:Takdang aralin ay talakayin.Ano ang tinalakay sa layon ng pangungusap?Paano matutukoy ang posisyon ng simuno? Panaguri?

3. Pangganyak: Nagdadasal ka ba? Naniniwala ka ba sa kanya? Patunayan. Naniniwal ka bang sinasagot Niya an gating mga panalangin? Bakit?

B. Habang Bumabasa:1. Basahin ang isang kuwentong bayan.

Ang Pangako ni Isko2. Pagtalakay: Sino ang nagkasakit? Ano ang solusyon ang naisip ni Mang Isko? Ano ang masasabi mong katangian niya? Magkano niya ipinagbili ang kalabaw? Bakit mura? Makatuwiran ba sa bumili ang ginawa niya? Pangatwiranan.

C. Pagkatapos Bumasa:1. Lahukang Gawain:Hanapin mula sa mga salita sa ibaba ang maaring kahulugan ng mga sumusunod:

nanatili

iaabuloy

nagtungo

maysakit

nabagabag

Iaalaynag-alalamay karamdamanNasiyahanpumuntapumirmadumating

2. Paglalahad ng gawain:Sabayang pagbigkas: Basahin nang malinaw ang tula. Natuto sa Panaginip

3. Pagpapayamang gawain:Hanapin naman ang kasalunagt na kahulugan ng mga sumusunod at isulat sa patlang.____a. Sigawmaliit____b. Lapit-palitkatotohanan____c. Dilimmeron____d. Mataasbinuo____e. Winasakbulong____f. Dumiliwanag____g. Kapallinis____h. Walanipis____i. Panaginiplayu-layo

D. Pagsasanib ng Kayariang Pangwika:1. Paglalahat: Isang mabisang paraan ng pagpapalawak ng mga salita ang pagtukoy sa kahulugan/kasalungat ng mga ito.

2. Pagpapayamang Gawain:Isulat ang kasingklahulugan at kasalungat ng bawat salita. Punan ang tsart.salitakasingkahulugankasalungat

a. nagalit

b. katulad

c. nawala

d. pareho

e. manloloko

f. mahusay

IV. Pagtataya:

Isulat sa patlang ang kasingkahulugan ng salitang sinalungguhitan.___1. Ginugunita ang kaarawan ni Dr. Jose Rizal ngayon.___2. Muntik ng hindi mapuno ang mga upuan sa harap ng entablado.___3. Importante sa tao ang makatapos ng pag-aaral.___4. Ang pagiging president ang lagi niyang hinahangad.___5. Mabuti na lamang at madali an gating pagsusulit.V. Takdang aralin:Gumawa ng limang pares ng mga salitang magkasingkahulugan at magkasalungat. Gamitin sa pangungusap ang bawat pares.

Aralin 26I. Layunin: Naibibigay ang kahulugan ng salita sa pamamgitan ng katuturan. Naisasaayos ang pangyayari ayon sa panahon.

Pagpapahalaga:Pagkamulat sa pangyayari ayon sa panahon

II.Paksang aralin:mga kahulugan ng salita sa pamamgitan ng kasingkahulugan at kasalungat.

BEC- Handbook in Filipino 5 Pagbasa p.56, Hiyas sa Pagbasa 5 pp.128-129,186-188 Bagong Filipino 5 Wika Pagbasa pp.80-81,83-84Larawan, tsartIII.Pamamaraan:A. Bago Bumasa1. Pagwasto ng takdang-aralin.2. Balik-aral:Piliin sa kahon at isulat sa patlang ang kasalungat ng bawat salitang may salungguhit.____a. Batid ng lahat na ikaw ay namamanata tuwing mahal na araw.____b. Si Ligaya ay matipid sa kanyang pera.____c. Ang dami ng pinamili ni nanay sa palengke.____d. Ang damit niyang suot ay kaaya-aya.____e. Ang mamang iyon ay may mabuting kalooban.

3. Pangganyak: Anu-anong lugar sa Pilipinas ang narating mo na? Ano ang nais mong marating pa? Bakit? Iguhit sa pisara ang anyo ng Pilipinas ayon sa iyong kaisipan.Pagtalakayan ito.

B. Habang Bumabasa:1. Paglalahad:Basahin at pakinggan na mabuti.

Talon ng Pagsanjan2. Pagtalakay: Saan matatagpuan ang Talon ng Pagsanjan? Piliin ang pinakaakmang diwa ng sanaysay at pangangatwiranan.a) Kaalaman sa Laguna.b) Kagandahan ng Talon ng Pagsanjan.c) Magagandang lugar sa katimugang Tagalog.

Basahin ang huling bahagi ng sanaysay. Anong hamon nito sa ating mga Pilipino?Kaya mo ba itong tugunan?Paano? Kailan kaya?C. Pagkatapos Bumasa:1. Lahukang Gawain:Lagyan ng mga salitang maaring iugnay sa nakalahad ang bawat patlang.

Pag-ibig-__________,__________,__________Panginoon__________,__________,_________kalinisan-__________,__________,__________halaga-__________,__________,__________yaman-__________,__________,__________

Subuking gawing parirala ang kahulugan ayon sa mga isinagot sa mga salita.Hal. Pag-ibig-puso, mabuti, taoPag-ibig-pagiging mabuti ng puso sa ibang tao

2. Paglalahad ng gawain:Isadula sa klase ang dula-dulaan. Ay Naku,Juan!

3. Pagpapayamang gawain:Mula sa isinadulang kwento. Piliin sa hanay B ang katuturan ng mga salitang nasa hanay A. Pagtapatin sa linya.

Hanay AHanay Ba. palayok-paghingi ng paumanhinb. sapa-pinagtagpo sa isang tiyak na lugarc. sinalubong-maayos na pagpapaliwanagd. pasensya- yari sa luwad na lutuane. lilinawin- maliit na daluyan ng tubig buhat sa bundok

4. Paglalapat:Gumamit ng diksyunaryong Tagalog upang maibigay ang katuturan ng mga sumusunod na salita.a. Abuloyb. Bangkeroc. Bukirind. Dalampasigane. Turistaf. Pagdanakg. Alamath. Rehasi. kristal

D. Pagsasanib ng Kayariang Pangwika:1. Paglalahat: Isa pang paraan ng pag-unawa sa salita ang pagbibigay ng katuturan o ng ibig sabihin nito. Malaking tulong ang diksyunaryo sa hakbang na ito.

2. Pagpapayamang Gawain:Ayusin ang mga pangyayari sa ibat-ibang panahon ayon sa kaisipan/karanasan.Lagyan ng bilang ang patlang.____a. Paghahanapbuhay____b. Pag-aaral____c. Pagtatapos____d. Pagtatrabaho____e. Panahon ng paglaki____f. Araw ng kapanganakan____g. pagpapapkasal____h. Pagpapaalam sa magulang____i. Pag-aayos ng handaan____j. Pag-iipon____k. Pagpaplano ng kasal____l. Pag-iimbita

IV. Pagtataya:

1P45K

2lunTI aN

aar

3sln

aoe

n

g

Sagutan ang puzzle sa itaas gamit ang mga katuturang sumusunod.

Depinisyon:1. Lugar sa bayan na pinagdadausan ng mga programa at pagpupulong-bayan.2. Kulay na malamig sa mata.3. Sermon ng pari sa simbahan tuwing may misa.4. Uri ng gulay na mayaman sa protina.5. Ulam na ipinagbabawal tuwing mahal na araw.

V. Takdang aralin:Humanap ng krosword puzzle na wikang Tagalog sa mga diyaryo at babasahin. Gupitin at sagutin ito hangang kaya mo. Humingi ng tulong sa mga kasambahay kung kinakailangan.

Aralin 27I. Layunin: Naibibigay ang detalye ng mga pinakinggang kwento/tula sa pamamgitan ng mga pamtnubay na tanong. Naibibigay ang kahulugan ng salita sa pamamgitan ng gamit sa pangungusap.Pagpapahalaga:Pagmamahal sa gawain

II.Paksang aralin:Mga Detalye ng Kuwento / Tula mula sa mga Pamatnubay na Tanong.Kahulugan ng Balita Ayon sa Gamit nito sa Pangungusap.

BEC- Handbook in Filipino 5 Pakikinig/Pagbasa pp.55-56, Hiyas sa Pagbasa 5 pp.78,64-66, Bagong Filipino 5 Pagbasa pp.138-140,62,173,Larawan, tsartIII.Pamamaraan:A. Bago Bumasa1. Pagwasto ng takdang-aralin.2. Balik-aral:ibigay ang katuturan ng mga sumusunod na salita.1. Ipinamalas2. Malasakit3. Imbensyon4. Alibugha5. Halimaw3. Paghawan ng balakid:Alamin ang Gawain o tungkulin ng isang:Magsasaka tinderahariInakatipuneroPilipinoMananakop na dayuhan

4. Pangganyak: Ano ang gagagwin mo sa mga sumusunod na sitwasyon? Nakakita ka ng estrangherong sugatan. Hindi ka tutulong sa taong di mo kilala. Inaapi ang iyong kababayan/kapamilya. May nais kang ilahad na tulong.

B. Habang Bumabasa:1. Paglalahad:Alamin ang kabutihan at kagandahang loob ng isang matandang babae noong panahon ng digmaan.Basahin at pakinggan na mabuti. Ina ng Katipunan2. Pagtalakay: Sino si Tandang Sora? Anong katangian mayroon siya? Saang tagpo nabuo ang kanyang layuning makatulong? Paano siya tumutulong sa mga Katipunero? Bakit siya tinawag na Ina ng Katipunan? Bukod sa kanyang taguri, ano pang bagay ang magsisilbing alaala ng kanyang kagandahang loob? Ikaw, anong magagwa mo para sa iyong kapwa Pilipino? Paano mo ito gagawin?

C. Pagkatapos Bumasa:1. Lahukang Gawain:Hanapin sa sanaysay ang mga sumusunod na salita.Mula sa pagkakagamit nito,bilugan ang mas angkop na katuturan nito:Pamamalakada. Paglalakad gamit ang paab. Pamamahala ng isang samahan

Tinawaga. tinagurianb. isinigaw ang pangngalanibagsaka. ihulog ng malakasb. talunin o sugpuinmainita. mula sa sikat ng arawb. mula sa lutuanbahagia. parte sa hatian/porsiyentob. porsyon/parte ng isang lugar2. Paglalahad ng gawain:Gawing masigla bilang pagbibigay pugay sa masisipag nating mga manggagawa.Mga Awitin ng Manggagawa3. Pagpapayamang gawain:Ibigay ang detalye ng awiting bayan gamit ang mga patnubay na tanong: Anu-anong manggagawa ang binanggit sa seleksyon? Ibigay at isa-isahin ang Gawain nila? Sino / ano ang pinagsilbihan ng isang: Mangugupit Magsasaka Magtotroso Magtutuba Paano mo ipaliliwanag ang kahalagahan ng isang awiting bayan?

D. Pagsasanib ng Kayariang Pangwika:1. Paglalahat: Iba-iba ang maaring kahulugan/katuturan ng isang salita. Nagkakaroon ng katiyakan ang katuturan ng isang salita kung paano ito ginagamit sa pangungusap.. Malaki ang maitutulong ng mga pamatnubay na tanong upang mabuo ang detalye ng isang binasang/pinakinggang seleksyon.

2. Paglalapat:Subuking ibigay sa isang salita/parirala ang katuturan ng binilugang salita ayon sa pagkakagamit nito sa pangungusap.a. pitaganWalang ang mga

batang lumaki sa kalye.

panukalab. Nagbigay ng ang kapitan na magkaroon ng basurahan sa bawat kalye.

c. kabiyakNagsama sila ng maluwag ng kanyang

d. Nakikitang Malayo na ang nararating nila ngunit wala pa rin silang

talyer para sa nasirang sasakyan.

e. nakahandusaypitaganTumakbo siya at humingi ng tulong para sa

na matandang babae sa Kalsada.

Awitin ang nakasulat na Lupang Hinirang Anong bansa ang tinutukoy sa awit? Bakit tinawag itong Perlas ng Silanganan? Anong damdamin ang nakapaloob sa awitin? Ano ang pinapaksa ng awit? Isinasapuso mo ba kapag inaawit mo ito?Patunayan.IV. Pagtataya:Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na salita ayon sa katuturang nakalahad.1. galamay- alagad o alipin ng isang taong makapangyarihan2.trahedya- malagim na pangyayari3. eskultor- mga malikhaing naglililok ng mahahalagang rebulto/monument4. palaboy-pinabayaan, pinagkaitan ng pagkalinga5. ilusyon-pangarap na mahirap abutin,parang imposible.V. Takdang aralin:Sa tulong diksyunaryo kumopya ng 5 salitang di pamilyar sa iyo at ibigay ang katuturan nito.Gamitin sa pangungusap.

Aralin 28

I. Layunin: Naiisa-isa ang mga bahagi ng Aklat. Naibibigay ang ibat ibang bahagi ng aklat at mga impormasyong nakapaloob sa bawat bahagi ng aklat.

Pagpapahalaga:Pagtangkilik sa Gawang Atin

II.Paksang aralin:Mga Bahagi ng Aklat-Ang mga Impormasyon nito.

BEC- Handbook in Filipino 5 p.56, Hiyas sa Pagbasa 5 pp.152-158, Bagong Filipino 5 Pagbasa pp.188-191,Larawan, tsart,tunay na aklatIII.Pamamaraan:A. Bago Bumasa1. Pagwasto ng takdang-aralin.2. Balik-aral:Pagtalakay sa takdang-aralin3. Paghawan ng balakid:Itala ang produktong alam mo:LokalImported

4. Pangganyak: Magtanungan kung alin ang mas pipiliin ng mga bata sa pagpili ng produkto na bibilhin.Lokal na produkto o imported? Bakit? Paghambingin ang datos.B. Habang Bumabasa:1.Isagawa ang sabayang pagbigkas.Tangkilikin ang Gawang Atin2. Pagtalakay: Tungkol saan ang sabayang pagbigkas? Saan panig ang unang pangkat?pangalawang pangkat?Pangatlong pangkat? Naniniwala ka ban a matibay ang gawang atin?Patunayan. Ano ang benepisyo natin sa mga dayuhang produkto?C. Pagkatapos Bumasa:1. Lahukang Gawain:Ipunin ang mga libro sa loob ng silid-aralan. Pangkatin ang mga ito ayon sa :a. gamit na gamitb. medyo luma nac. bago pa2. Paglalahad ng Gawain:Ituro sa libro kung nasaan ang:a. pabalatb. pahina ng paglalathalac. talaan ng nilalamand. paliwanag sa babasa ng aklate. mga may-akdaf. talahuluganan3. Pagpapayamang gawain:Punan ang tsart sa ibaba.Bahagi ng aklatKinalalagyan sa aklatImpormasyong nakasulat

a. pabalat

a.a.

b. pahina ng pamagatb.b.

c.pahina ng karapatang-aric.c.

d. panimulang salitad.d.

e.Talaan ng nilalamane.e.

f.mga aralin

f.f.

g. indeks

g.g.

h. glosaryo

h.h.

D. Pagsasanib ng Kayariang Pangwika:1. Paglalahat:Bakit mahalaga ang aklat?bakit kailangan malaman natin ang mga bahagi nito? Mahalaga sa atin ang aklat bilang medium n gating kaalaman.Kayat mahalaga na malaman natin ang mga bahagi nito,impormasyong nakapaloob ditto at wastong paraan ng pangangalaga nito.

IV. Pagtataya:Isulat sa patlang ang bahagi ng akalt na tinutukoy ng mga sumusunod.___1. May paksang nakaayos ng paalpabeto,sa tapat ng bawat paksa ay may bilang ng pahina.___2. Nagpapakita ng nilalaman.___3. Nagpapakita ng paunang salita.___4. Bahaging may nakasulat na pamagat at pangalan ng mga may-akda.___5. May larawan sa itaas na bahagi,may teksto ng kwento at sanaysay.V. Takdang aralin:Batay sa pag-uuri ng mga aklat sa loob ng silid-arala, ipamalas ang kakayahang pangalagaan ito.Ayusin ito at lagyan ng kober kung kinakailangan.

Aralin 29

Layunin: Nagagamit ang mga bahagi ng aklat ayon sa pangangailangan

Pagpapahalaga:Pagkamatulungin

II.Paksang aralin:Paggamit ng mga Bahagi ng Aklat Ayon sa Pangangailangan.BEC- Handbook in Filipino 5 p.56, Hiyas sa Pagbasa 5 pp.152-158, Bagong Filipino 5 Pagbasa pp.191,Larawan, tsart,tunay na aklatIII.Pamamaraan:A. Bago Bumasa1. Pagwasto ng takdang-aralin.2. Balik-aral:Ibigay ang kahulugan, bigkas at baybay ng mga sumusunod na salita.1. Himpilan2. Wagayway3. Takda4. Inampalan5. LinanginB. Panlinang na Gawain:1. PagganyakIpakuha ang aklat isa-isahin ang mga bahagi nito.2. Paghawan ng balakid:Hanapin ang kahulugan ng salitang may salungguhit.1. Ang mga katawagan sa aralin sa isang aklat na hindi gaanong maintindihan ay makikita sa talahuluganan.2. Itinabi ni Gng. Mercado ang pangmatrikula ng kanyang dalawang anak.

Bayad sa paaralanPariralaterminolohiya

3.Pagbasa ng tahimik:4. Pagtalakay:Ano ang talaan ng nilalaman?Talahuluganan?Ano ang aralin nina Pablito noong biyernes na hindi narinig ni Allan dahil siya ay hindi pumasok? Para naman sa Lunes, ano ang itinuro niya kay Allan?6. Paglalahat: Talaan ng Nilalaman Talahuluganan Talatuntunan o Indeks Pabalat Paunang-salita

1. Lahukang Gawain:Hanapin sa ating binasang talaan ng nilalaman ang mga sumusunod na kwento.PahinaYunitA. Ang mga bisitang dumatingB. Pagtanggap ng mga bisitaC. Magbugtungan tayoD. Pag may tiyaga, may nilagaE. Gantimpala sa katapatan2. Paglalapat:Kunin ang aklat sa wika at hanapin ang mga aralin sa ibaba.kopyahin ang mga pamagat ng mga aralin.1. Pagbigkas ng mga salitang iisa ang baybay2. Pagbibigay ng paksa ng kwentong narinig.3. Pagkilalang ibatibang sapekto.4. Pagkilalang mga pang-abay na pamanahon at panlunan.5. Paggamit ng mga pang-ukol at pangatnig.

IV. Pagtataya:Basahin ang talahuluganan. Gamitin ito sa paghahanap ng kahulugan ng mga salita.a. Asignaturab. Balatoc. Dalagitad. Bugtonge. DumagundongAa-an-tig-pd. Pupukawa-ba-la- pu. Okupadoa-gri-men-sor-png.tagasukat ng lupaa-sig-na-tu-ra-png. Paksang-aralinan-ti-go-pu. Sinaunaa-so-te-a-png. balkonBBa-lag- png. PagapanganBa-la-ni- png. Pang-akitBa-la-to-png. Perang ipinamimigay ng isang nagwagiBug-tong- png. Pahulaang nagsasaad ng tugmaBu-ko- png. Ubod o murang bulaklakDDa-la-da-la- dalang bagaheDa-la-gi-ta- png. Batang tinedyerDes-pe-di-da-png. Salu-salong ginaganap bilang pamamaalam sa mga mahal sa buhay bago mangibang bansa.Dip-tong-go-pd. Umuugong tulad ng kulog

V. Takdang aralin:Basahin ang talahuluganan.Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod:1. Despedida2. Agrimensor3. Balani4. Asotea5. diptonggo

Aralin 30

I. Layunin: Nagagamit ang clining o paghahati-hati ng intensidad ng kahulugan.

Pagpapahalaga:Paggalang sa tradisyon

II.Paksang aralin: Clining/ Paghahati-hati ng Intensidad ng Kahulugan.

BEC- Handbook in Filipino 5 Pagbasa p.57, Hiyas sa Pagbasa 5 pp.146-148, Bagong Filipino 5 Pagbasa pp.88-89,162-163,Tsart, cartolinaIII.Pamamaraan:A. Bago Bumasa1. Pagwasto ng takdang-aralin.2. Balik-aral:Anu-ano ang mga bahagi ng libro?Saan ito matatagpuan?Anong impormasyon ang nakapaloob dito?3. Pangganyak:Anu-anong tradisyon ang isinasagawa sa inyong lugar?May pistang bayan ba?Flores de Mayo?Semana santa?

B. Habang Bumabasa:1.Paglalahad:Pakinggang mabuti ang sanaysay.Pistang Bayan2. Pagtalakay: Paano nagsimula ang pistang bayan? Hanggang ilang araw umaabot ang pistang bayan sa Romblon ?Anong mga Gawain mayroon sila? Tuwing anong petsa isinasagawa ang prusisyon sa plasa? Ano ang ibig sabihin ng BINIRAY? Paano mo ito ilalarawan?C. Pagkatapos Bumasa:1. Lahukang Gawain:Isaaayos ayon sa intensidad ng kajulugan ang mga sumusunod.YamotgalitWalang emosyonnapakasayaInissayapoot2. Paglalahad ng Gawain:Basahing mabuti ang sanaysay. Mabuting kaibigan si Marie

3. Paglalapat:Isaayos ayon sa intensidad ng kahulugan ang mga salita mula sa sanaysay. Ang huling bilang ang may pinakamataas na antas.a.____masayab.___tanggi---------tuwang-tuwa_____laban_____masigla_____ tutol

c. ___malawakd.___naalala____maliwanag____mamulat sa isip____malapad____nalaman____napag-isip-isipe.___natatawa____humahalakhak____nangingiti____ napabulalas ng tuwaD. Pagsasanib ng Kayariang Pangwika:1. Paglalahat:Ano ang taglay ng bawat salita?may ibat-ibang kaantasan o bigat ng kahulugan ang ilang mga salita. Mahalagang masuri ang mga damdaming ito upang higit na maunawaan ang tamang paggamit ng bawat salita.IV. Pagtataya:KOpyahin ng 5 beses sa papel ang pattern na ito. Isulat sa bawat kahon ang angkop na salitang aayon sa intensidad ng kahulugan sa bawat pangkat.

1.galit,asar,walang emosyon,poot2. kumukulo, malamig, nagyeyelo, mainit3.nakahandusay,nanghihina, nangangalumata,maysakit4. mataas,matarik, matayog, matangkad5. matigas, solido, marupok, adobe

V. Takdang aralin:Gumawa ng guhit ng isang pangkat na may limang mukha na may ibat-ibang antas ng emosyon. Isulat sa ibaba ang salitang angkop sa bawat larawan..

Aralin 31

I. Layunin: Nagagamit ang clining o paghahati-hati ng intensidad ng kahulugan.

Pagpapahalaga:Pagmamahal sa Ipinagkaloob ng Dakilang Lumikha

II.Paksang aralin: Paggamit ng clining o paghahati-hati ng Intensidad ng KahuluganDeskripsyon ng nilalaman-Karanasan ng mag-asawang walang anak

BEC- Handbook in Filipino 5 p.57, Hiyas sa Pagbasa 5 pp.146-148, Bagong Filipino 5 Pagbasa p.162,Tsart.strip of cartolinaIII.Pamamaraan:A.Panimulang gawain:1. Pagwasto ng takdang-aralin.2. Pangganyak: Kayo ba ay kumakain ng gulay? Anong gulay ang kinakain ninyo?3. Pagpapalawak ng bokabularyo:Hanapin ang kahulugan ng mga salita.a.Pagyamaninbukirinb.Paramihinpalalaguinc. Tanimanpahalagahand.gulokitak

4. Pagtakda ng layunin: Sa inyong palagay, bakit kay Mang Ito nagpakita ang malaking kalabasa?

B. Paglalahad:Pagbasa ng Kuwento. Prinsesa Kalabasa

C.Pagtalakay:

Anu-anong magagandang ugaling taglay ng mag-asawa? Ano ang gantimpala ng Panginoon sa kanila? Bakit mas ibig ni Ningning na makapiling sina Aling Luming at Mang Ito kaysa sa kanyang amang hari at inang reyna? Sa inyong palagay,ano ang dapat taglayin ng isang anak para lumigaya ang kanyang mga magulang? Ibig mo bang magkaroon ng magagandang ugaling taglay ni Ningning? Bakit? Anong aral ang napulot ninyo sa kwento?D. Pagsasanay:A. Narito ang ibat-ibang damdamin ng mga tauhan sa kwento.Pagsunud-sunurin ang mga ito ayon sa tindi o bigat ng kahulugan nito.a) tumatawab) humagulgol ngumingiti humihikbi humahalakhak sumisibi ngumisi umiiyakB. Pagsunud-sunurin ang ibat-ibang damdamin ayon sa tindi o bigat ng kahulugan. Lagyan ng bilang 1-4 ang pinakamatindi ay ang bilang 4.1.___sindak2. ___napatawa ___pangamba ___napangiti ___takot ___napahalakhak ___pag-aalala ___napabungisngis

E. Paglalahat:May kanya-kanyang tindi o bigat ng kahulugan ang damdaming ito upang maunawaan ang dahilan ng pagtindi nito.

F. Pagpapayamang Gawain:Pagsunud-sunurin ang mga sumusunod ayon sa tindi o bigat ng kahulugan nito.1. yamot2. Iyak Poot palahaw Inis hikbi Galit hagulgol

3. naghalakhakan 4. Tikim Nagbungisngisan tungga Naghagikgikan lagok Nagtawanan inom

5. popular Bantog Sikat Kilala

IV. Pagtataya:

Pagsunud-sunurin ang mga sumusunod ayon sa tindi o bigat ng kahulugan nito.

1. bumabagyo2. tanghali umuulan hapon kulimlim gabi umaasim umaga

3. kinagawian 4. nayamot kinamihasnan napikon kinagisnan nainis kinamulatan nasuya

5. nahimbing naantok natulog naidlip

V. Takdang aralin:Piliin sa panaklong ang kasingkahulugan at ipalit sa salitang may salungguhit.1.)Ang ordinaryong mamamayan ay hindi makasunod sa luho ng mamamayan.( karaniwan, maykayang, kilalang )2.)Nalaglag ang mga dahon sa puno kapag taglagas.( panahong maulan, panahong tumutubo at nagkakadahon ang mga halaman, panahon ang mga halaman)3.)Maraming kabatiran ang natutuhan sa paaralan.( kabutihan, kaalaman, kasanayan )4.)Ang Baguio ay pook na sagana sa mga sariwang gulay.( mayaman, salat, bantog )5.)Dalisay ang hangin sa kabukiran kaya nagpapalusog ng katawan.( malamig, malinis, malakas )

Aralin 32

I. Layunin: Nakasusulat ng mga talatang nagsasalaysay, nagpapaliwanag at may pagkakasunod-sunod. Nakasusulat ng balita at usapan gamit ang ibat-ibang uri ng pangungusap.

Pagpapahalaga:Pagmamahal sa Wika

II.Paksang aralin: Pagsulat ng Talata- Pagsasalaysay at PagpapaliwanagPagsulat ng Balita at Usapan o DayalogoSanggunian:BEC- Handbook in Filipino 5 Pagsulat p.56, Hiyas sa Wika 5 pp.86, 88-91 , Bagong Filipino 5 Wika pp.94,Pagdiriwang ng Wikang Filipino 5-Wika pp.55-56III.Pamamaraan:A. Bago Bumasa1. Pagwasto ng takdang-aralin.2. Balik-aral:Ipamalas sa galaw ang intensidad ng kahulugan ng mga sumusunod:

Naglulupasay sa iyak 4.

pumapalahaw 3

2

umiiyak

humihikbi1

3. Paghawan ng balakid:Bumuo ng 3 pangkat sa klase, gumawa ng maikling akrostik para sa W-I-K-A bawat pangkat.W- wikangI- ItoyK- KailangangA- alagaan4. Pangganyak:Magsalita ka nga ng:a) Ingles?b) Espanyol?c) Tagalog?Alin ang pinakapipiliin mo?B. Habang Bumabasa:1.Paglalahad:Pakinggang mabuti ang sanaysay.Wikang Pambansa2. Pagtalakay: Kanino natin utang ang pagkakaroon ng Wikang Pambansa? Anu-ano ang mga pangunahing sampung wika? Anong samahan ang nag-aaral ng mga linggwista sa Pilipinas? Anong pagkakaiba ng alpabetong Filipino at alpabetong Pilipino?Pangatwiranan.C. Pagkatapos Bumasa:1. Lahukang Gawain:Pag-aralan ang pattern na sumusunod:

Pamagat(Espasyo)

(pasok)____________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Isaayos at isulat muli ang talata sa ibaba upang makatulad ng pattern sa itaas.Impluwensya sa ating kulturaSi Rina ay matulunging bata. Si Rina ang nagluluto ng pagkain kayat natutuwa ang mga magulang ni Rina. Habang nagluluto ng pagkain, si Rina ay kumakanta. Isang araw, pinansin si Rina ng mga magulang ni Rina dahil sa ginagawang pagkanta habang nagluluto. Sinabi rin ng ina ni Rina na ang mga pamahiin ay minana natin sa mga taga-India.

2. Paglalahad ng Gawain:Isadula ang sumusunod. Sayaw-awit Pinoy

3. Pagpapayamang Gawain:Pangkatin ang klase sa 5 grupo. Gumawa ng maikling dayalogo ukol sa:Pangkat 1- Mga Larong PinoyPangkat 2- Artista NgayonPangkat 3-Proyekto sa KlasePangkat 4-Buhay batang Tulad MoPangkat 5- Mga Gawaing Bahay

4. Paglalapat:Pagsunud-sunurin ang mga pangungusap upang makabuo ng isang maayos na talata.___ Ang Surian ng Wikang Pambansa ay ang Lupon ng Wika na itinatag noong 1937 para sa pagpili ng Wikang Pambansa.___ Ang Tagapangulo ng Lupon ay si Jaime De Veyra na taga-Leyte at ang kalihim ay si Cecilio Lopez, isang Tagalog.___Lahat ng mga kagawad ay kumakatawan sa Wikang Ilokano, Cebuano, Bicol, Hiligaynon, at Maranaw.___Noong itinatag ito, pitong miyembro ang hinirang ni Pangulong Quezon.___Ang iba pang kagawad ay kumakatawan sa Wikang Ilokano, Cebuano, Bicol, Hiligaynon, at Maranaw.

D. Pagsasanib ng Kayariang Pangwika:1. Paglalahat:

Mga dapat tandaan sa pagsulat ng talata.a. Isulat ang pamagat sa gitna sag awing itaas ng sulatang papel.b. Lagyan ng patlang sa pagitan ng pamagat at mga talataan.c. Gamitin ang malaking titik sa simula ng mahahalagang salita sa pamagat/simula ng bawat pangungusap,simula ng mga pangngalang pantangi at sa pagsulat ng pamagat.d. Gamitin ang wastong bantas sa hulihan ng bawat pangungusap.e. Ipasok ang unang pangungusap ng talataan.f. Magkaroon ng palugit sa magkabilang panig ng papel.IV. Pagtataya:Sa isang buong papel sumulat ng isang talata ayon sa nais mong paksa.Sagutin ang tseklis pagkatapos.a. Nilagyan ban g patlang sa pagitan ng pamagat at mga talataan?b. Ginamit ba ang malalaking titik sa simula ng mahahalagang salita sa pagitan/simula ng bawat pangungusap at simula ng mga pangngalang pantangi?c. May bantas ba sa hulihan ang bawat pangungusap?d. Ipinasok ba ang unang pangungusap ng talataan?e. May palugit bas a magkabilang panig ng papel?V. Takdang aralin:Gumuhit ng isang bagay sa putting papel. Kulayan ito at pagandahin. Sumulat ng maikling talata tungkol ditto sa ibaba ng iyong drawing. Ibahagi sa ibang kamag-aral.

Aralin 33

I. Layunin: Nakasasagot sa mga tanong tungkol sa detalye ng ulat, patalastas, kuwentong napakinggan. Nakasusulat ng isang patalastas.

Pagpapahalaga:Pakikipagkapwa-tao

II.Paksang aralin: Pagsagot sa mga Detalye ng Ulat, Patalastas at Kuwento.Sanggunian:BEC- Handbook in Filipino 5 Pakikinig p.57, Hiyas sa Wika 5 pp.192,196,127 , Bagong Filipino 5 Wika pp.43-44;33;62-63,69-71,Pagdiriwang ng Wikang Filipino 5-Wika pp.61-62III.Pamamaraan:A. Bago Bumasa1. Pagwasto ng takdang-aralin.2. Balik-aral:Anu-ano ang mga dapat tandaan sa paggawa ng talata?3. Pangganyak:Ano ang paborito mong patalastas sa TV ngayon?Kaya mo ba itong gayahin?Anong mensahe ang hated ng patalastas?B. Habang Bumabasa:1.Paglalahad:Pakinggang mabuti ang sanaysay.Pakikipagkapwa-Tao2. Pagtalakay: Paano mo ilalarawan ang marunong makipag-kapwa tao? Ano ang dapat mong gawin upang dumami ang kaibigan? Paano mo isasagawa ang pakikipagkapwa-tao? Ano ang mga mabuting idudulot ng tamang pakikipagkapwa-tao?C. Pagkatapos Bumasa:1. Lahukang Gawain:Suriin ang patalastas:

Bakit kayo Dapat Magparehistro?Sa ngayon may mga programat serbisyo ang ibat-ibang sangay ng pamahalaan at pribadong sektor na kumikilala sa kakayahan ng mga taong may kapansanan. Subalit kulang pa ito. Isinasagawa ang pagpaparehistrong ito upang alamin ang bilang ninyo at makagawa ang pamahalaan nang masusi pang pag-aaral at pagpaplano ng mga programa at serbisyo para sa inyo.

Saan kayo dapat pumunta?Bukas lahat ng Barangay hall, Barangay health Center, Barangay school sa limang araw na ito. Kung wala ang mga ito sa lugar ninyo may itinalagang isang registration center sa pangunguna ng inyong Barangay Kapitan, kasama ang mga guro, nars, midwives at volunteers.

Isulat ang mga impormasyong mahalaga para sa iyo mula sa patalastas na ito:a.b.c.

2. Paglalahad ng Gawain:Pangkatin ang klase sa grupo.Suriin ang tsart na ito.

PATALASTASANO:SAAN:KAILAN:

3. Pagpapayamang Gawain:Direksyon ng paggawa:a. Gawing gabay ang tsart sa itaas upang makabuo ng sariling patalastas ang bawat grupo.b. Ipakita sa ibang grupo ang inyong ginawa.c. Himukin ang ibang grupo na magtanong ukol sa inyong patalastas.d. Kailangang ang bawat miyembro ay alam ang patalastas at handing sagutin ang tanong ng mga miyembro ng ibang pangkat4. Paglalapat:Subukin naman ang pagsagot sa mga tanong mula sa kwento/sanaysay na pinakinggan. Ilahad at bumuo ng mga tanong. Ang Kesong Tumutubo sa mga Punong-kahoyD. Pagsasanib ng Kayariang Pangwika:1. Paglalahat:

a. Anu-ano ang mga panunutunan o mga dapat tandaan upang makasagot sa mga detalye ng kwento/sanaysay,sulat/balitang napakinggan?b. Mga dapat tandaan sa pagsulat ng Patalastas: Kailangan na may tiyak na paksa. May mga nilalamang maaring: Anong gaganaping palatuntunan/programa. Panawagan sa lahat. Kautusan ng bayan/paaralan. Pangangailangan sa hanap-buhay. Nawawala. Maikli at maliwanag ang mensahe. Tamang paggamit ng malaking titik, bantas, pasok at palugit pati na rin baybay.IV. Pagtataya:Isulat sa anyong patalastas ang sanaysay/talatang ito:Isang Malaking Pambansang PaligsahanV. Takdang aralin:Gumupit sa lumang dyaryo ng isang anunsyo/patalastas. Idikit sa kwaderno. Sa ibaba, isulat sa anyong patalata ang mga mensaheng hated nito.

Aralin 34

I. Layunin: Napipili ang paksa sa mga talata ng isang seleksyon. Nakabubuo ng banghay o balangkas tungkol sa pinakinggang teksto. Napipili ang mahahalagang detalye na sumusuporta sa bawat pangunahing diwa.

Pagpapahalaga:Pag-iingat/Pangangalaga sa Kalinisan ng Katawan

II.Paksang aralin: Pagpili ng Paksa sa Bawat Talata.Banghay o Balangkas- Pagbuo mula sa Mahahalagang Detalye.Sanggunian:BEC- Handbook in Filipino 5 Pakikinig/ Pagbasa pp.59;61, Hiyas sa Pagbasa 5 pp.24-28 , Bagong Filipino 5 Pagbasa pp.74-79 ,Pagdiriwang ng Wikang Filipino 5-Wika pp.61-62III.Pamamaraan:A. Bago Bumasa1. Pagwasto ng takdang-aralin.2. Balik-aral: Suriin ang anunsyo.Isang Anunsyo sa PahayaganSagutin ang mga tanong:Saang bahagi ng pahayagan nakita ni Ahmed ang anunsyo?Ano ang sinasabi ng mensaheng ito?Anong balak ni Ahmed matapos itong mabasa?Sa inyong palagay, malaki ba ang maitutulong ng mga anunsyong tulad nito? Pangatwiranan.3. Pangganyak:Isulat sa ilalim ang ibat-ibang bahagi ng katawan. Gawing gabay ang diagram.

Katawan

B. Habang Bumabasa:1.Hatiin sa 2 pangkat ang klase.Unang pangkat- babasahin ang liham ni EunicePangalawang pangkat- sagot ni Ate Lydia

2. Pagtalakay: Ano ang problema ni Eunice? Kanino siya humingi ng tulong?Bakit kaya? Anu-anong payo ang isinagot ng pitak ni Ate Lydia? Anu-anong sanhi ng pagkakalbo ng/kanipisan ng buhok? May maidaragdag ka pa bang pay okay Eunice? Ano ito?C. Pagkatapos Bumasa:1. Lahukang Gawain:Punan ang balangkas na ito. Balikan ang liham kanina bilang gabay sa paggawa.

I. Sanhi ng Pagkalagas ng BuhokA. ChemotheraphyB.C.D.II. Wastong Pangangalaga ng BuhokA. B.C.D.Ikumpara sa ibang grupo ang ginawa ninyo.

2. Paglalahad ng Gawain:Ilahad nag kwentong Sandaang pulo( Alamat).

3. Pagpapayamang Gawain:Pakinggan ang sanaysay. Ang Mapaminsalang Lahar:

Bawat Grupo ay gumawa ng balangkas.Itsek ang inyong gawa batay sa tseklis na ito.1. Pamagat2. Pangunahing paksa:I._______A.________B. Mga detalyeC.3.II. Layunin ng binasa:4.III. Kabutihang naibahagi ng binasa:A.B.C.D. Pagsasanib ng Kayariang Pangwika:1. Paglalahat:Bumuo ng panuntunan sa wastong pagbabalangkas.

IV. Pagtataya:Gawin ang maikling balangkas ng iyong buhay sa 3 paksang diwa. Lagyan din ito ng pamagat ayon sa maisipan mo.V. Takdang aralin:Pumili ng isang magiting na bayani at ibalangkas ang talambuhay nito.

Aralin 35

I. Layunin: Nakikilala ang mga pangngalan sa isang sanaysay. Napa-uuri-uri ang pangngalan ayon sa tungkulin-pantangi, pambalana, lansakan.Pagpapahalaga:Pangangalaga sa Kapaligiran

II.Paksang aralin: Pangngalan-Pag-uuri Ayon sa Tungkulin. Pantangi, Pambalana, LansakanSanggunian:BEC- Handbook in Filipino 5 Pagsasalita pp.57, Hiyas sa Wika 5 pp.38-42 , Bagong Filipino 5 Wika pp.66-69, 72-76 ,Pagdiriwang ng Wikang Filipino 5-Wika pp.63-65III.Pamamaraan:A. Bago Bumasa1. Pagwasto ng takdang-aralin.2. Balik-aral: Anu-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng talata?3. Paghawan ng Balakid: Isulat sa loob ng bawat bula ang mga mikrobyo at sakit na maaring dumapo sa ating katawan sanhi ng pagkakaroon ng sakit.

4. Pangganyak:Tumingin sa labas ng paaralan/klasrum. Pag-aralan ang paligid.Anong mga suhestiyon mo upang higit itong maging kaaya-aya sa ating paningin?

B. Habang Bumabasa:1.Pag-aralan ang patalastas:

TKO Kontra KoleraRound 3Kontr

2. Pagtalakay: Ano ang TKO?Saan ito madalas na marinig? Anu-anong mensahe ng patalastas na nakalahad? Anong ahensya ng pamahalaan ang responsible sa patalastas? Anong magagawa mo upang maipaabot ang mensahe ng patalastas sa ibang maaring mangailangan nito? Paano mo ito gagawin?C. Pagkatapos Bumasa:1. Lahukang Gawain:Bumuo ng grupo na may 3 miyembro. Pag-usapan kung paano ninyo papangkatin ang mga pangngalan mula sa patalastas.PrutastubigkatawanKubetabatakapaligiranPIAbukoahensyaDOHsabawkagawaranOresolsanggolMike2. Paglalahad ng Gawain:Buuin ang mga pangungusap. Lagyan ng angkop na pangngalang lansakan ang patlang.

TumpokbuwigkumpolTangkalbigkisbuntonTalaksanpumponlahi

1. Hinabol ni Rodel ang huling gumulong sa ____ng mga kahoy.2. Ilagay mo ang damo sa tabi ng ____ ng mga dayami.3. Robert, bumili ka nga ng isang ____na kahoy sa tindahan.4. Wow! Hinog na ang isang ____na saging.5. Ana, bumili ka ng isang ____ na kamatis.

3. Pagpapayamang Gawain:

Piliin mula sa kahon ang angkop na salita upang mabuo ang dayalogo. Isulat sa patlang.

Hannah: Naku, Lola ang daming bunga ng kamyas, ____ sa bawat sanga.Lola; Manguha ka na. Heto ang basket. Marami pa tayong saging.Tutulungan ko ang Lolo ninyo sa pagkuha ng mga ____Ng saging.Jem: Hannah, pagkatapos nating manguha ng kamyas,tingnan natin ang mga itlog sa pugad____yata sa dami.Hannah: o, sige mamaya. Naku, makapagpabibili pa tayo ng kamyas! Magkano kaya natin ipagbibili ang isang____

Dosena tumpok kumpol buwig tangkas

4. Paglalapat:Anong tawag sa mga pangngalang ito?Anong uri ng pangngalan ang mga hal.?DOH-pantangiBata-pambalanaBuwig- lansakan

D. Pagsasanib ng Kayariang Pangwika:Paglalahat:Ang pangngalan ay nauuri sa 3 ayon sa tungkulin nito: Pambalana- nagpapakilala ng karaniwang ngalan ng tao,bagay,pook, at pangyayari.hal. Bata, bayan Pantangi- tanging ngalan ng tao, bagay, pook, hayop at pangyayari.hal. Pilipinas, Mongol Lansakan-tumutukoy sa maramihang bilang ng pangngalan. Hal. Kumpol, tribo, pangkat,liga2. Pagpapayamang Gawain:Isadula ang dayalogo sa pp.41. Bagong Lunas sa Leprosy(Ketong)Gumawa ng tsart sa pisara piliin ang mga pangngalan sa dayalogo at ihanay sa tsart.Pangngalang PantangiPangngalang Pambalana

IV. Pagtataya:

Isulat sa patlang ang B kung ang pangngalan ay pambalana, I kung ito ay pantangi at L kung ito ay lansakan.___1. Kilo___2. Puso___3. PBA___4. Piling ng saging___5. SalansanV. Takdang aralin:Gumawa ng tsart ng mga pangngalan. Isulat ang tiggagatlong uri nito ayon sa tungkulin.Gamitin sa pangungusap ang bawat isa.

Aralin 36

I. Layunin: Nagagamit ang pangngalan bilang ibat-ibang bahagi sa pangungusap. Natutukoy ang mga pangngalan sa seleksyong binasa at ang wastong gamit nito .Pagpapahalaga:Wastong Paglinang sa likas -yaman

II.Paksang aralin: Gamit ng Pangngalan sa mga PangungusapMga Pangngalan sa SeleksyonSanggunian:BEC- Handbook in Filipino 5 Pagsasalita pp.57, Hiyas sa Wika 5 pp.43-47 , Bagong Filipino 5 Wika pp.78-80, 84-86, 90-92 ,Pagdiriwang ng Wikang Filipino 5-Wika pp.66-69III.Pamamaraan:A. Bago Bumasa1. Pagwasto ng takdang-aralin.2. Balik-aral: Sabayang pagbigkas.3. Pangganyak:Anong trabaho ng iyong ama? May nagtatrabaho ba sa pabrika?(magdebate)Nararapat bang malapit ang mga pabrikat pagawaan sa mga residensyal na lugar? Bakit?

B. Habang Bumabasa:1.Pakingngang mabuti ang sanaysay. Maliitang pagmimina Malaking Problema2. Pagtalakay: Ano ang mabuting dulot ng pagmimina? Ano naman ang masamang dulot nito? Anong ginagawa ng asoge sa kalusugan ng tao? Ano ang nais mong ipayo sa mga minero natin sa pagmimina lamang umaasa ng ikinabubuhay?C. Pagkatapos Bumasa:1. Lahukang Gawain:Lagyan ng tsek ang mga pangngalang ginamit sa dalawang sanaysay. Ekis naman kung hindi ito pangngalan._____a. mayaman_____b. asoge_____c. Montana_____d. Pagmimina_____e. ngunit

2. Paglalahad ng Gawain:Talakayin ang higit panggising diwa ukol sa pangangalaga ng mga likas na yaman. Baha, may KalutasanAnong pandiwa ang kaugnay ng tuwirang layong solusyon,pansin, balikat, pag-asa, at liham-pasasalamat?3. Pagpapayamang Gawain:Basahin:Taon ng mga TigreTukuyin kung saan ginamit ang mga sumusunod na pangngalan.a. mag-aaralb. taoc. kulayd. Bagong Taone. guro

D. Pagsasanib ng Kayariang Pangwika:Paglalahat:Anu-ano ang gamit ng pangngalan? May iba-t-ibang gamit ang pangngalan:a. bilang paksa o simunohal. Ang Barangay Ginebra ang nanguna sa gawaing iyon.b. Tuwirang layonhal. Naghanda ng papel ang lahat ng kalahok sa pagsusulit.c. Layon ng pang-ukolhal. Ang mga mag-aaral sa Baitang-5 ay naghanda ng isang awit.2. Pagpapayamang Gawain:Bumuo ng apat na pangkat sa klase.Pangkat I -SimunoPangkat II - tuwirang layonPangkat III - Layon ng pang-ukolPangkat IV PamunoTumayo ang pangkat na aangkop sa gamit ng pangngalang babanggitin sa bawat pangungusap ng guro.1. Galit nag alit ang abogado sa suspek.2. Si Leandro ang batang lumaki sa Amerika.3. Nagkaloob ng pabuya ang Meyor ng Laguna.4. Si Lea ang susunod na awit, kaya tumahimik na tayo.5. Ang mga anak ng may-ari ay lumuwas ng Maynila.IV. Pagtataya:

Isulat sa patlang ang S kung simuno ang gamit ng may saqlungguhit na pangngalan, T kung tuwirang layon, L kung layon ng pang-ukol, at P kung pamuno.___1. Talagang mababait ang mga anak nila Amy at Tony.___2. Iigib kami ng tubig sa balon.___3. Ang laruan ay para kay bunso.___4. Ang Intriga, kompilasyon ni Arturo ay mabili sa merkado.___5. Pinakambuti pa rin sa bata ang gatas ng ina.V. Takdang aralin:Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na pangngalan. Tukuyin ang gamit nito.a. pang-unawaanc. kamab. Barasoain Churchd. programa

Aralin 37

I. Layunin: Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan sa balita, dayalogo, anunsyo at talata.Pagpapahalaga:Ugaliing magbasa nang Maparami ang Kaalaman

II.Paksang aralin: Paggamit ng mga pangngalan sa Balita, Dayalogo, Anunsyo at TalataSanggunian:BEC- Handbook p.57, Hiyas sa Wika 5 pp.43-47 , Bagong Filipino 5 Wika p. 55III.Pamamaraan:A. Panimulang Gawain1. Pagwasto ng takdang-aralin.2. Balik-aral: Anong pangngalan ang ginamit sa pangungusap?a) Nagpunta sa Pransya si Gng. Jovita Corales.b) maraming Gawain ang kapitan ng barangay ngayon.c) Nagpabili ako ng papel, kwaderno at lapis sa palengke.d) Gusto kong kumain ng bibingka.e) Nakapunta ka nab a sa Visayas at Mindanao?B. Panlinang na Gawain:1. Pangganyak:Mahilig ka bang magbasa ng dyaryo?Tungkol saan ang binabasa mo?2. Paglalahad:Pagbasa ng anunsyo.

Ipinagbebenta Singer na makinang de motor P4,600.00. Tumawag kay mandy 964321 7-12 N.U.

3. Pagtalakay:Ano ang nilalaman ng anunsyo?Anu-anong pangngalan ang ginamit sa anunsyo?4. Paglalahat:Ang anunsyo o balita ay dapat na maikli o may haba, malinaw at buo ang impormasyong ipinababatid.5. Pagsasanay:Sumulat ng anunsyo na ginagamit ang sumusunod na pangngalan.a.) produktob.) ari-arianc.) kagamitan6. Paglalapat:Sumulat ng anunsyo na ginagamit ang sumusunod na pangngalan.Apartment2 buwang paunang bayad62 Palimbay, Calumpit BulacanMalapit sa MacArthur Highway

IV. Pagtataya:Sumulat ng isang anunsyo tungkol sa isang bahay at loteng ibinebenta sa kanto ng kalye Dian at Dayap sa Makati ni Roy Lopez. Ang telepono niya ay 853-2-74

V. Takdang aralin:Sumulat ng balita, dayalogo, o anunsyo na gumagamit ng mga pangngalan.

Aralin 38

I. Layunin: Natutukoy ang kayarian ng pangngalan. Nauuri ang pangngalan ayon sa kayariang payak, maylapi, inuulit at tambalan.

Pagpapahalaga: Pagpapanatili ng Malusog na Katawan

II.Paksang aralin: Kayarian ng PangngalanPayak, Maylapi, Inuulit at TambalanSanggunian:BEC- Handbook Pagsasalita p.57, Hiyas sa Pagbasa 5 pp.30-32, III.Pamamaraan:A. Bago Bumasa1. Pagwasto ng takdang-aralin.2. Balik-aral: Isagawa ang dayalogo. Masuwerte TayoIsulat sa hanay ang mga pngngalan ayon sa gamit nito.SimunoTuwirang layonLayon ng pang-ukolPamuno

3. Pangganyak:Magsagawa ng ehersisyo.Iparinig ang isang awit at sabayan ng pag-indak. Ano ang kabutihang dulot ng ehersisyo sa ating katawan? Patunayan.

B. Habang Bumabasa:

1. Paglalahad:Pagbasa ng dayalogo. (5 mag-aaral)Ano Ba Ang Cholesterol(pp.30-32)2. Pagtalakay:Saan umiikot ang usapan?Anu-ano ang uri ng cholesterol? Pagkumparahin ang dalawa.Ano ang LDL? Paano ito maiiwasan?Anong natutunan mo sa usapan? Paano mo ito maisasabuhay?

C. Pagkatapos Bumasa:1. Lahukang Gawain:Paano mo papangkatin ang sa apat ang mga sumusunod na pangngalan/salita?Pag-asatuwang-tuwapag-ikotKapit-bahayinapito-pitoMahirapinaanakiyak ng iyakDamithampaslupagabi-gabiMag-asawabeywanghalaman

2. Paglalahad ng Gawain:Piliin ang lahat ng pangngalang bumubuo sa sanaysay. Brosyur tungkol sa Sipon

3. Pagpapayamang Gawain;Magkaroon ng ehersisyo sa klase bilang pangangalaga sa katawan.Iangkop sa mga sumusunod na direksyon ng guro.Lumundag nang mataas ng 3 beses.Iwagayway ang kamay.Huminga ng malalim at pakawalan ito.Gawin ng paulit-ulit.Iikot ang beywang.Iikot ang ulo.Iikot ang tuhod.Magjogging ng sabay-sabay. Piliin ang mga pangngalan sa direksyon at tukuyin ang kayarian ng bawat isa.D. Pagsasanib ng kayariang pangwika:1. Paglalahat:Suriin ang tsart. Bumuo ng paglalahat mula rito.PAYAKMAYLAPIINUULITTAMBALAN

AmaKabaitanTatlo-tatlopangalawa

TamaPag-alipustaAping-apiKapitbahay

ManaKayamananIngat na ingatanakpawis

IV. Pagtataya:Isulat sa patlang ang kayarian ng bawat salita.____1. Pistang-bayan____2. harana____3. timpalak____4. kasunduan____5. Maling-maliV. Takdang aralin:Mag-imbento ng iba pang hakbang/direksyon sa pag-eehersisyo gamitin ang ibat-ibang kayarian ng pangngalan sa iyong mga pangungusap.