View
38
Download
0
Category
Preview:
Citation preview
Republic of the Philippines
Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula
FILIPINO Ikatlong Markahan- Modyul 4: Opinyon at Talakayang Panradyo
Zest for Progress
Zeal of Partnership
8
Pangalan: _____________________________________
Baitang/Seksyon:_______________________________
Paaralan: _____________________________________
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Adela S. Luang
Editor: Lindo O. Adasa, Jr.
Philip D. Caermare
Shayne Everette U. Eldian
Tagasuri: Adela S. Luang
July G. Saguin
Maricel B. Jarapan
Tagaguhit: Edgardo P. Jamilar, Jr.
Tagalapat: Peter Alavanza
Tagapamahala: Felix Romy A. Triambulo, Ed. D., CESO V
Oliver B. Talaoc, Ed. D.
Ella Grace M. Tagupa, Ed. D.
Jephone P. Yorong, Ed. D.
Lindo O. Adasa, Jr.
Alamin
Pagkatapos mong isagawa ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
❖ Naisusulat nang wasto ang dokumentaryong panradyo.
❖ Nagagamit ang angkop na akspresyon sa paghahayag ng konsepto ng pananaw
(ayon, batay, sang-ayon sa, akala, at iba pa)
Balikan
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Pabalat nito’y may larawan pang sikat na artista. Nilalama’y mga artikulong
tumatalakay sa iba’t ibang paksa.
a. Pahayagan b. magasin c. komiks d. internet
2. Kahong puno ng makukulay na larawan at usapan ng mga tauhan. Tunay na
kinagigiliwan ng mga kabataan.
a.Pahayagan b.magasin c.komiks d. internet
3. Sa isang click lang mundong ito’y mapapasok na para mag-Fb, Twitter o magsaliksik
pa.
a. pahayagan b. magasin c. komiks d. internet
4. Alin sa mga sumusunod ang tradisyunal na anyo ng panitikan
a. Kuwentong Bayan at Salawikain
b. Magasin at Komiks
c. Broadcast Media
d. Dokumentaryong Pantelebisyon
5. Pinipilahan ng mga manonood, sa pinilakang tabing ito’y tinatampok.
a. Dokumentaryong Pantelibisyon
b. Pelikula
c. magasin
d. komiks
5
Tuklasin
Panuto: Tuklasin natin kung may munting kaalaman ka ba sa araling ito. Gamit ang arrow
ikonekta ang mga pahayag na may kaugnayan sa salita na nasa gitna nito.
nag
Aralin
4 Dokumentaryong Panradyo
Nagpapahatid
ng mga
panawagan
Naghahatid ng
musika
Nagpapalabas
ng pelikula
Nagpalabas ng
variety show
Nagpapalabas
ng teledrama
Nagpapakilala
ng isang
produkto
Nagpapakinig ng
mga awit
Naghahatid ng mga
talakayan/pulso ng
bayan
Nagbibigay ng
opinyon kaugnay
ng isang paksa
Naghahatid ng
napapanahong
balita
RADYO
8
Upang mapalalim pa ang iyong kaalaman kaugnay ng gampanin ng
radio bilang isang midyum ng broadcast media sa pagkakaroon ng
kamalayang panlipunan ng mamamayan, matutuhan mo kung paano
makasusulat ng isang dokumentaryong panradyo.
Suriin
KUWENTUHANG MEDIA
Posted by Online Balita on June 2nd, 2012
Nakakatuwang makakuwentuhan ang mga kasapi at pinuno ng media sa okasyon
ng kaarawan ng magaling na coordinator na si Liza Carreon sa isang forum na kung
tawagin ay Tuesday Club sa Pasig City. Magagaling, matatalas, at analitikal ang kanilang
mga pananaw na halos lahat ng isyu o pangyayari sa aitng bansa, gaya ng usapin ng
Panatag Shoal, at ni CJ Renato Corona.
Kabilang sa mga media people na nakausap ko at nakapalitan ng kuro-kuro ay sina
Manila Bulletin Editor –in-chief Cris “Jun” Icban; Butch Raquel, GMA Vice President for
communications;Biznews Asia Magazine Editor-in-Chief Tony Lopez, Tony Katigbak
(Chairman ng Tuesday Club); Bong Osorio ABS-CBN, ex-MMDA Chairman Bayani
Fernando at ex-Marikina City Mayor Marides Fernando, ex-Graphic Editor Manuel
Almario, columnist Boo Chanco; Pandan, Catanduanes Mayor Resty de Quiroz, dating
reporte ng DZRH, at iba pa.
Sa ganitong pagtitipon, hindi masasayang ang inyong oras dahil bukod sa
tawanan, biruan at kumustahan, nakapupulot ka ng matatalino, magaganda at sariwang
opinyon, analisis at personal na paniniwala na kontra o katig sa isang kontrobersiyal na
personalidad o usapin. Ang Club na ito ay ipinundar ng yumaong sina Max Soliven at Art
Borjal.
Binigwasan ng China si US State Secretary Hillary Clinton dahil sa remarks nito
tungkol sa gusot sa West Philippine Sea (South China Sea) na rito lantarang dinuduro
ng dambuhalang bansa ang sisiw na Pilipinas sa Panatag Shoal. Ayon kay Hillary,
lumalabis ang China sa pag-angkin nito sa nasabing karagatan kontra sa ipinahihintulot
ng United Nations Convention on the Law of the sea UNCLOS). Nagbabala ang China na
hindi dapat makialam ang US sa usaping ito. Maliwanag ang pahiwatig ni Ms. Clinton
na tiyak na susugod ang US forces para tulungan ang ating bansa sa sandaling ganap na
salakayin at agawin ng China ang Bajo de Masinloc.
Sa kabila ng pagbatikos at pagsalungat ng mga makakaliwang grupo na sagad-
hanggang-langit ang galit at pag-ayaw sa United States, walang magagawa o
masusulingan ang Pilipinas kundi ang humingi ng tulong (kahit hindi diretsahan) o
TANDAAN:
Habang ikaw ay nagbabasa, sikapin mong magtala ng iba’t ibang detalye
tungkol sa;
1. Pamagat ng paksang tinalakay;
2. Mga batayan ng mga salaysay; at
3. Mga aral ng natutuhan.
sumandal sa puwersa ng bansa ni Uncle Sam laban sa alinmang dayuhang lakas na
ookupa at manduduro sa atin.
Mula sa binasang teksto na Kuwentuhang Media may mga salitang nakatutulong
sa pagpapahayag ng sariling pananaw o Konsepto ng Pananaw.
A. May mga ekspresyong nagpapahayag ng konsepto ng pananaw.
Kabilang dito ang ayon/ batay/ para/ sang-ayon sa/ sa paningin/ kay, ganoon din,
sa paniniwala/ pananaw/ akala ko/ ni/ ng, at iba pa. Inihuhudyat ng mga
ekspresyong ito ang iniisip, sinasabi o pinaniniwalaan ng isang tao.
Halimbawa;
Batay sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, ang Filipino ang Pambansang Wika at isa
sa mga opisyal na wika ng komunikasyon at sistema ng edukasyon.
Sa paningin ni Pangulong Quizon, mas mabuti ang mala-impiyernong bansa na
pinamamahalaan ng mga Pilipino kaysa makalangit na Pilipinas na pinamunuan ng
mga dayuhan.
Iniisip kong hindi mabuti kaninuman ang kanilang mga plano.
Sa palagay ko, wala nang gaganda pa sa lugar na ito.
B. May mga ekspresiyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/o
pananaw, tulad ng sumusunod na halimbawa na tumitiyak kung sino ang pinagmulan
ng pananaw.
Sa kabilang dako, mabuti na rin sigurong nangyari iyo upang matauhan ang
nagtutulog-tulugan.
Samantala, makabubuti sigurong mapahinga ka muna para makapag-isip ka ng husto.
Alam mo ba na…
BAGO MAKASULAT NG ISANG DOKUMENTARYONG PANRADYO
NARITO ANG MGA DAPAT TANDAAN:
1. Magsaliksik ng mga impormasyon
2. Huwag kalimutang banggitin ang mga personalidad na binanggit sa
detalye upang ipakita ang kredibilidad ng iyong isinulat
3. Magkaroon ng malinaw na pagpapasiya ng paksa.
Pagyamanin
Pagsasanay 1
Panuto: Piliin ang mga sumusunod na pahayag na mula sa tekstong binasa at isulat
ang titik sa wastong kahon.
A. Ayon kay Hillary, lumalabis ang China sa pag-angkin nito na nasabing karagatan
kontra sa ipinahihintulot ng United Nations Convention on the Law of the Sea
(UNLOS).
B. Maliwanag ang pahiwatig ni Ms. Clinton na tiyak susugod ang US forces para
tulungan ang ating bansa sa sandaling ganap na salakayin at agawin ng China ang
Bajo de Masinloc.
C. Manila Bulletin editor-in-Chief Cris “Jun’ icban;
D. Butch Raquel, GMA Vice President for Communications
E. Sa ganitong pagtitipon, hindi masasayang ang inyong oras dahil sa bukod sa
tawanan, biruan at kumustahan, nakapupulot ka ng matatalino, magaganda at
sariwang opinyon, analisis, at personal na paniniwala na kontra o katig sa isang
kontrobersyal na personalidad o usapin.
Mga nagpapahayag ng mga impormasyon
Mga pahayag ng mga personalidad
Sariling pananaw
5
Pagsasanay 2
Panuto: Iguhit ang kung ito ay pamagat sa paksang tinalakay, kung ito ay batayan
ng mga salaysay at kung ito ay mga aral na natutuhan mula sa tekstong binasa.
_____1. Nakatutuwang makakuwentuhan ang mga kasapi at pinuno ng media sa okasyon
ng kaarawan ng magaling na coordinator na si Liza Carreon sa isang forum na
kung tawagin ay Tuesday Club ng Pasig.
_____2. Sa ganitong pagtitipon, hindi masayang ang inyong oras dahil bukod sa tawanan,
biruan at kumustahan, nakapupulot ka ng matatalino,magaganda at sariwang
opinyon, analisis at personal na paniniwala na kontra o katig sa isang
kontrobersiyal na personalidado usapin.
_____3. Binigwasan ng China si US State secretary Hillary Clinton dahil sa remarks nito
tungkol sa gusot sa West Philippine Sea.
_____4. Maliwanag ang pahiwatig ni Ms. Clinton na tiyak na susugod ang US forces para
tulungan ang ating bansa .
_____5. Ang pinag-uusapan sa furom ay tungkol sa West Philippine Sea (South China Sea)
na Panatag Shoal .
Gawain
Gawain
Panuto: Buuin ang teksto gamit ang mga sumusunod na ekspresyong pananaw na
nasa loob ng kahon.
Kaugnay nito Ayon sa Sa ganang akin
Sa palagay ko tungkol sa
1. __________ isang magulang, “Patuloy siyang magprotesta laban sa
panukalang batas 2. ___________ pagiging legal na kasal ng dalawang taong
nagmamahalan na may parehong kasarian”. 3. ________________, mahalagang ipaglaban
at ipabatid sa mga mamamayan ang kahalagahan ng pamilya na binubuo ng ama, ina at
mga anak. 4. _________________, isa sa mga protesta laban sa “same-sex marriage” ay
nakaabang na gagawin ng ilang mga magulang na kumukontra nito.
5. _____________________, marami pang taon ang ilalaan ng mga mambabatas
sa panukalang ito lalo na sa bansang Pilipinas na pinamumugaran ng mga
konserbatibong mamamayan.
5
5
Isaisip
Panuto: Punan ang patlang ng mga salita upang mabuo ang kaisipang nakapaloob sa tekstong
nasa loob ng kahon.
Konsepto ng pananaw
magsaliksik ng mga impormasyon
alamin ang pamagat ng paksa
aral na matutuhan
huwag kalimutang banggitin ang mga personalidad na binanggit sa
detalye upang ipakita ang kredibilidad ng iyong isinulat
dokumentaryong panradyo
batayan ng mga salaysay
magkaroon ng malinaw na pagpapasiya ng paksa.
Tayahin
5
8
Ngayon, masasabi ko na ang pagkuha ng (1)_________________________________ ay
dapat (2) ________________________________, isaalang-alang ang maayos na paglalahad
ng mga (3) _______________________________ at higit sa lahat ang (4)
_____________________ sa gawaing ito.
Natuklasan ko na bago ako sumulat ng dokumentaryong panradyo ay dapat kong
tandaan ang mga sumusunod;
(5________________________________________________________________________________;
(6)_______________________________________________________________________________;
(7) _______________________________________________________________________________.
Natutuhan ko sa buong modyul na mahalaga rin ang mga salita o mga
ekspresiyong nagpapahayag ng (8)_______________________ upang maging susi sa
paglalahad ng detalye.
Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
_____1. Alin sa mga pahayag ang hindi kabilang ng mga dapat tandaan sa pagsulat
ng Dokumentaryong Panradyo?
A. Magsaliksik ng mga impormasyon
B. Huwag kalimutang banggitin ang mga personalidad na binanggit sa
mga detalye upang ipakita ang kredibilidad ng iyong isinulat
C. Magsagawa ng panayam
D. Magkaroon ng malinaw na pagpapasiya sa paksa
_____2. Bakit kailangang banggitin ang mga personalidad na binanggit sa mga
detalye?
A. upang ipakita ang kredibilidad ng iyong isinulat
B. upang mailathala ang kanilang mga pangalan
C. upang maging sikat
D. upang mapangangalagaan ang kanilang mga pangalan
_____3. Bilang isang mamahayag, bakit kailangan sundin ang mga hakbang bago
sumulat ng dokumentaryong panradyo?
A. dahil ito ay maging gabay sa pagkakasunod-sunod ng mga
impormasyon.
B. dahil ito ang dapat sundin
C. dahil kailangan magbigay ng iyong sariling pananaw
D. dahil ito ay panuntunan na dapat sundin ng mamahayag upang
magkaroon ng kompletong impormasyon na maayos at malinaw na
pagkuha ng mga detalye.
_____4. Paano nakatutulong sa pagbuo ng dukomentaryong panradyo ang mga salita
o ekspresyong nagpapahayag ng konsepto ng pananaw?
A. nakatutulong ito sa pagbibigay ng malinaw na paglalahad ng mga
pagpapahayag.
B. nakatutulong sa pamamagitan ng pagsasabi ng sariling opinyon at
nagpapatunay sa mga pinagmulan ng mga detalye.
C. nakatutulong ito sa pagpapahaba ng mga impormasyon.
D. nakatutulong sa pagpapatunay sa mga pangyayari.
_____5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng sariling pananaw?
A. Ayon kay Hillary, lumalabis ang China sa pag-angkin nito sa nasabing
karagatan kontra sa ipinahihintulot ng United Nations Convention on
the Law of the Sea (UNCLOS).
B. Binigwasan ng China si US State Sectretary Hillary Clinton dahil sa
remarks nito tungkol sa gusot sa West Philippine Sea (South China Sea)
na rito ay lantarang dinuduro ng dambuhalang bansa ang sisiw na
Pilipinas sa Panatag Shoal.
C. Kabilang sa media people na nakausap ko at nakapalitan ng kuro-kuro
ay sina M anila Bulletin Editor-inChief Cris “Jun” Icban; Butch Raquel,
GMA Vice President for Communications; BizNews Asia Magazine
Editor-in-Chief Tony Lopez, Tony Katigbak(Chairman ng Tuesday
Club); Bong Osorio ng ABS-CBN, exMMDA Chairman Bayani Fernando
at ex-Marikina City Mayor Marides Fernando; ex-Graphic Editor
Manuel Rest y de Quiroz at iba pa.
D. Ang club na ito ay ipinundar ng yumaong sina Max Soliven at Art
Borjal.
Karagdagang Gawain
Magsaliksik ng dokumentaryong panradyo at buuin ito gamit ang mga ekspresiyong
nagpapahayag ng konsepto ng pananaw. (10 puntos)
RUBRIK SA PAGSULAT NG DOKUMENTARYONG PANRADYO
Pamantayan 5 3 1
Organisasyon
Maayos at malinaw ang
organisasyon ng mga
ideya.
Hindi masyadong
malinaw ang
organisasyon ng mga
ideya.
Lumihis sa
ipinapagawa o sa
dapat ipapahayag na
mensahe ng gawain.
Gramatika at
Pagbaybay
Walang mali sa
pagbaybay at gramatika.
May 1-5 mali sa
pagbaybay at
gramatika.
May 6 o higit pang
mali sa pagbaybay at
gramatika.
Kalinisan
Napakalinis ng awtput;
walang makikitang bura
at nasusunod ang
tamang anyo ng pagsulat
ng liham, gaya ng
wastong palugit at pasok.
Kakikitaan ng 1-5
pagbura ng mga salita
at hindi nasunod ang
tamang anyo ng
pagsulat ng liham, gaya
ng wastong palugit at
pasok.
Kakikitaan ng 6 o
higit pang pagbura ng
mga salita at hindi
nasunod ang tamang
anyo ng pagsulat ng
liham, gaya ng
wastong palugit at
pasok.
10
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian:
Tayahin
1.C
2.A
3.D
4.B
5.A
Isaisip
1.dokumentaryong
pangradyo
2.alamin ang pamagat
ng paksa
3.batayan ng mga
salaysay
4.aral na matutuhan
5.magsaliksik ng mga
impormasyon
6-8.
•huwag kalimutang
banggitin ang mga
personalidad na
binanggit sa detalye
upang ipakita ang
kredibilidad
•magkaroon ng malinaw
na pagpapasya ng paksa
•konsepto ng pananaw
Gawain
1.Ayon sa
2.Tungkol sa
3.Sa ganang kanya
4.Kaugnay nito
5.Sa palagay ko
Pagyamanin
Pagsasanay 1
Mga
nagpapahayag ng
mga impormasyon
Mga pahayag
ng mga
personalidad
Sariling
pananaw
C D
B A E
Pagsasanay 2
1.
2.
3.
4.
5.
Tuklasin
✓Nagpapahatid ng
mga panawagan
✓Nagpapalabas ng
teledrama
✓Nagpapkining ng mga
awit
✓Nagbibigay ng
opinyon kauganay ng
isang paksa
✓Naghahatid ng
napapanaong balita
✓Naghahatid ng mga
talakayan/ pulso ng
bayan
✓Nagpapakilala ng
isang produkto
✓Naghahatid ng
musika
Balikan
1.B
2.C
3.D
4.A
5.B
Panitikang Pilipino 8
Panitikang Pandaigdig 9
Gintong Pamana 8
1
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land
Here the trees and flowers bloom
Here the breezes gently Blow,
Here the birds sing Merrily,
The liberty forever Stays,
Here the Badjaos roam the seas
Here the Samals live in peace
Here the Tausogs thrive so free
With the Yakans in unity
Gallant men And Ladies fair
Linger with love and care
Golden beams of sunrise and sunset
Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound,
Every valleys and Dale
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land
Region IX
Our..
Eden...
Land...
The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a dream. I dreamed
that I was walking along the beach
with the LORD.
In the beach, there were two (2) sets
of footprints – one belong to me and
the other to the LORD.
Then, later, after a long walk, I
noticed only one set of footprints.
“And I ask the LORD. Why? Why?
Why did you leave me when I am sad
and helpless?”
And the LORD replied “My son, My
son, I have never left you. There was
only one (1) set of footprints in the
sand, because it was then that I
CARRIED YOU!
I think that I shall never see
A poem lovely as a tree.
A tree whose hungry mouth is prest
Against the earth’s sweet flowing
breast;
A tree that looks at God all day,
And lifts her leafy arms to pray;
A tree that may in Summer wear
A nest of robins in her hair;
Upon whose bosom snow has lain;
Who intimately lives with rain.
Poems are made by fools like me,
But only God can make a tree.
Recommended